Showbiz News

Abangan ang bromance nina Park Hae Jin at Park Sung Woong sa 'Man x Man'

By Bianca Geli

Mula sa mga Korean drama na My Love from the Star at Cheese in the Trap, nagbabalik si Park Hae-jin para sa isang ma-aksyon na series kasama si Park Sung-woong.

Isang well-trained secret agent si Stanley Kim (Park Hae-jin) na magiging bodyguard ng sikat na celebrity na si William Yeo (Park Sung-woong).

Ngunit ang totoo, si Stanley ay isang National Intelligence Service black ops agent na may sariling agenda at nagpapanggap lang na bodyguard para maisakatuparan ang kaniyang balak.

Magiging malapit na magkaibigan sina Stanley at William at mabubuo ang kanilang kakaibang “bromance” o kapatiran.

Lalong magiging komplikado ang lahat ng mapalapit si Stanley kay Bea Cha (Kim Min-jung), ang manager ni William.

Abangan ang Man x Man sa GMA Heart of Asia, ngayong Pebrero na!