Showbiz News

EXCLUSIVE: 'Beautiful Justice' star Derrick Monasterio, gusto sundan ang career path ni Aicelle Santos

By Aedrianne Acar

Nakangiti ang Kapuso leading man na si Derrick Monasterio nang mapag-usapan ang magandang takbo ng kanyang career.

Derrick Monasterio

Kasalukuyang busy si Derrick sa hit musical na Rak of Aegis, kung saan gumaganap siya bilang Tolits; at on-going din ang taping niya para sa pinakabagong primetime series na Beautiful Justice.

EXCLUSIVE: Derrick Monasterio, todo na ang preparasyon para sa 'Rak of Aegis' Season 7

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Derrick, natutuwa siyang naipakikita niya sa mga tao ang mga kakayahan niya bilang artist.

Wika niya, “Well, for me, I'm happy with what I'm doing now [sa] theater 'tapos Beautiful Justice.

“Kasi, napapakita ko 'yung strengths ko and I'm happy na may mga critics na nanood.”

Nakakataba rin daw ng puso ang natatanggap niyang mga papuri sa pagganap niya bilang Tolits sa Rak of Aegis.

“Lagi ko kasi binibigay 'yung best ko,” ayon kay Derrick.

“Hindi ko alam kung sino 'yung mga nanonood, pero I love hearing people laugh, I love seeing them smile.

“So, talagang for me, it's an honor, masaya ako pag masaya sila.”

Dahil sa naging experience niya sa pagpe-perform sa teatro, determinado daw siya na sundan ang yapak ng multi-awarded Kapuso performer na si Aicelle Santos.

Paliwanag ni Derrick, “Oh my God, I want to! Yun nga 'yung gusto maging career path, parang kay Ate Aicelle, na nakapunta siya international.

“So hopefully, pag may mga audition na mga international play, Les Misérables, Phantom of the Opera, mga ganyan, gusto ko mag-audition.”