Showbiz News

FIRST LOOK: Dingdong Dantes poses as Capt. Manalo of Descendants of the Sun

By Nherz Almo

Tila handang-handa na si Dingdong Dantes sa kanyang pagbabalik-teleserye sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng hit K-drama na Descendants of the Sun.

Sa isang photo release ng GMA Network, makikita sa unang pagkakataon ang Kapuso Primetime King na si Dingdong bilang si Captain Lucas Manalo a.k.a. Big Boss.


Kamakailan lang ang sumailalim si Dingdong, Rocco Nacino, at iba pa nilang co-actors sa Special Forces training bilang paghahanda sa kani-kanilang role sa Descendants of the Sun.

IN PHOTOS: A sneak peek into the Special Forces training of the 'Descendants of the Sun' cast