Showbiz News

WATCH: Mr. World 2019 contestants, nag-enjoy sa kanilang 'boodle fight' lunch

By Aaron Brennt Eusebio

Nasa Pilipinas ngayon ang mahigit 70 kandidato ng Mr. World 2019 para sa coronation night nito sa August 23 sa Araneta Coliseum.

Sa kanilang pamamalagi sa bansa, nasubukan na nila ang Pinoy 'boodle fight' kung saan inilalagay sa ibabaw ng dahon ng saging ang mga pagkain. Hindi rin puwede gumamit ng kutsara at tinidor ang mga kakain.

Ayon kay Mr. World Northern Ireland Adam Steenson, enjoy siya sa kanyang unang experience ng 'boodle fight.'

Aniya, "I really enjoyed it. I have never eaten like that before. It was different for me but coming here is both meeting different people, different cultures."

Bukod sa good looks, hindi rin nagpahuli ang mga kalahok na ipakita ang kani-kanilang mga talento.

Panoorin 'yan sa report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:


Mr. World 2019 will air on SNBO on Sunday, August 25, at 10:30 pm.