Showbiz News

Nadine: 'I love to be bad!'

Last week, Celine made a choice—aanib na siya kina Harold sa kanyang paghahasik ng lagim. At dahil dito, Nadine Samonte reveals to us na she's more excited sa mga susunod na mangyayari. Text by Jason John S. Lim. Interview by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Nadine looks and talks like the sweetest girl. Pero mas trip daw niyang maging isang kontrabida kesa sa mag-martyr bilang bida! At bakit?
"Gusto ko kasi, eh. Mas challenging. Tsaka mas gusto ko, kasi napaglalaruan ko eh," sagot niya. At sa papalapit na pagtatapos ng Gagambino, Nadine tells us na magiging masama na ang character niya nang tuluyan—and with this new development, may isa pang ikina-excite ang dalaga: "Magkakaroon na ako ng costume! At sexy 'yung costume ko! Nakita ko na 'yung picture, ang cute!" Biro ni Nadine, "Nagda-diet ako ngayon—pero bukas na ako magsu-suot 'di ba? One-day diet!" Pero sa pagiging naturally slim ni Nadine, kailangan pa ba ng diet? "Kailangan medyo ano, kasi maiksi [ang costume] eh," paliwanag ng dalaga. "Tapos kita 'yung [gilid] niya, kaya lang gagawin nila parang skin tone lang. Para kunyari kita. Parang kay Isabel [Oli]! [Mas] maikli 'yung akin." With Nadine in such a good mood, iGMA asked her kung okay ba ang bagong environment niya ngayon, which is mainly filming with Polo Ravales. Dati kasi, laging sila Dennis Trillo ang ka-eksena niya: "Okay naman so far. Ka-ano ko naman si Harold, si Polo. So hindi na kami nagkakahiyaan pa. Masaya. "Feeling ko mas magiging masaya," Nadine finishes with a laugh. So we had to ask, dahil ba ito sa pagiging bad ni Celine? "Yeah!" Talaga namang for Nadine, it's good to be bad! After Gagambino, Nadine reveals na wala pa siyang alam na next project. And though maraming rumors ang umiikot sa Internet ngayon about her this, ang masasabi lang ni niya ay, "Kailangan meron! May binabayaran kasi akong condo ngayon—kumuha ako ng condo. By 2011 pa kasi siya matatapos, so as of now, inuunti-unti ko na siya." A wise move na naman from Nadine—sana lang Celine would do the same, 'no? Pero who can tell kung ano ang ididikta ng puso? We'll just have to wait and see kung matatauhan pa si Celine sa kanyang hurt from being rejected by Bino. Kaya naman Nadine wants to invite everyone to keep supporting Gagambino: "Sana patuloy nilang suportahan at abangan [ang show]. Lahat naman ng tao sinasabi na paganda nang paganda, which is true. Mas paganda nang paganda, tsaka mas pabigat nang pabigat 'yung mga nagiging eksena ngayon kasi malapit nang matapos. And madaming mangyayari. Lalo na kay Celine. Hindi niya alam kung pakakasalan ba niya si Harold, o kukunin ba niya 'yung kapangyarihan na talaga, or maghihiganti ba talaga siya kay Bino? So maraming mangyayari. "Tsaka abangan nila 'yung costume! Excited ako sa costume!" And so we'll leave Nadine with her excitement over her costume. Sa iyo naman, dear reader, ito ang iiwan naming tanong: Kalaban na nga ba si Celine hanggang sa pagtatapos ng Gagambino? Try niyong alamin mula kay Nadine mismo—through her Fanatxt service! Just key in NADINE on your cellphone and send to 4627 for all telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is exclusively for the Philippines only.) And siyempre, don't miss the remaining weeks ng Gagambino, para malaman ang sagot! The show airs gabi-gabi sa GMA Telebabad.