Showbiz News

Wendell, hinaharap ang challenges ng LaLola

He takes his multi-dimensional character in “LaLola” seriously. Ito ay enough proof na si Wendell Ramos ay prepared to reinvent himself by taking his craft to another level. – Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. Kinamusta ng iGMA.tv ang portrayal ni Wendell Ramos as Lalo sa prime time show na LaLola: "Medyo syempre mahirap din. Mahirap in a way na magkaroon ka ng pattern ng character ng isang tao. Dapat maipakita mo pa rin na malinaw na talagang nag-shift ka ng character…Hindi ako dumi-depende dun sa kilos lang niya so kailangan laliman mo pa lalo."
Sinusubukan pa niyang i-improve ang kanyang acting, and through Lalo who, similar to Rhian Ramos' Lola, takes on a different personality sa katauhan naman ni Matias. Kwento pa ng aktor, ang challenge ay mas bumigat dahil sa mga shift ng kanyang character. "Week Eight bumalik ako from Lola naging Lalo ulit ako, puso ko babae. 'Yun nahirapan ako kasi sabi ni Direk Dom (Zapata) kailangan daw i-dramatize ko yung eksena kasi in real life ganun talaga. Siguro bumalik na [iyong] hitsura mo pero yung puso mo babae pa rin so ang hirap. Ina-avoid nilang lumabas na parang comedy or nagpapatawa ka parang sa Bubble Gang. As much as possible sineryoso ko pa rin yung eksena which is mahirap kasi 'yung movement mo, yung mga mannerisms ng babae di ba?" ang patuloy na explanation ni Wendell. Kwento pa ni Wendell: "Humugot na lang ako sa ibang mga lines…sa tulong ni Keempee (de Leon) Sabi ko sa kanya, 'Ikaw ang bahala, dagdagan mo na lang ng linya for me.' Ang eksena is maaawa siya sa akin eh, so sabi ko, 'Laliman mo pa ng talagang nakakaawa ang maririnig ko sa iyo.' Nasa ka-eksena ko rin kaya nagawa ko ng maayos din. Si Keempee alam din niya, mga Pro sila." At para sa mga masugid na manonood ng hit telebabad show, heto ang message ni Wendell: "Maraming, maraming salamat sa mga sumuporta ng LaLola. And sa mga lahat sumo-suporta ng shows dito sa GMA. Sana lagi kayong susuporta sa GMA, dahil balita namin su-swertehin daw ang laging nanonood ng GMA!" Kamustahin si Lalo kay Wendell! Text WENDELL [Your Message] and send to 4627 for all networks. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, TM, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is only available in the Philippines. Log on to the iGMAForums para malaman ang latest in showbiz happenings! Not yet a member? Register here!