What's on TV

WATCH: Alden Richards, nag-e-enjoy sa kaniyang role sa 'The Gift'

By Cara Emmeline Garcia
Published August 18, 2019 10:29 AM PHT
Updated September 10, 2019 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo XIV presented with lambs at the Vatican
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin ang magiging karakter ni Kapuso actor Alden Richards sa upcoming serye niya na 'The Gift.'

Simple, guwapo, masipag, madasalin, ngunit kinalaunan ay mabubulag.

Iyan ang magiging karakter ni Kapuso actor Alden Richards sa upcoming serye niya na The Gift.

Gagampanan ni Alden si "Josep" o "Sep," isang tindero sa Divisoria kung saan nagte-taping ngayon ang buong cast.

Kuwento ng aktor, mas na-e-enjoy niya ang karakter dahil full-support ang mga taga-Maynila.

"Dun mas nakaka-relate 'yung mga Kapuso natin na manonood ng teleserye na ito kasi nakaka-miss mag-portray ng role na kagaya ng mga Kapuso natin sa Divisoria -- na kargador, nagtitinda.

"Mas nandun 'yung puso ko."

Meet Joseph...soon. #TheGift

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Sentro ng teleserye ang istorya ng pag-asa, pagbabago, at paghahatid ng inspirasyon sa manonood.

Makakasama ni Alden sina Elizabeth Oropesa, Jean Garcia, Jo Berry, Martin del Rosario, at Mikee Quintos.

Kaya kung ang mga bida na ito ang tatanungin, ano kaya ang maituturing nilang "The Gift"?

Alamin ang sagot sa chika ni Cata Tibayan:

WATCH: Alden Richards, sumailalim sa isang blind immersion para sa 'The Gift'

Alden Richards, gaganap bilang bulag sa upcoming drama na 'The Gift'