Showbiz News

Pinaka-bagong single ni Ruru Madrid, inilabas na

By Rowena Alcaraz

Inilunsad na ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid ang kaniyang first-ever solo single na pinamagatang “Nawawala” sa ilalim ng GMA Music ngayong Biyernes, Agosto 16.

Ruru Madrid's solo single entitled “Nawawala”

Sa komposisyon nina Kettle Mata, Roger Alcantara, at Enzo Villegas, ang “Nawawala” ay isang kantang napupuno ng emosyon at 'hugot,' na kukurot sa puso ng mga makikinig.

Kuwento ni Ruru, natuwa siya sa areglo ng kanta at sa lyrics nito dahil may inihahatid itong magandang mensahe, “The first time na binigay nila sa akin ito, nagulat ako talaga. Ang ganda at damang-dama. Everytime na may ginagawa tayo sa buhay natin, i-aapply natin 'yung mga natutunan natin sa past.”

Kinilala ni Ruru ang impluwensya ng kaniyang ama sa pagkahilig sa musika dahil parte ito ng isang banda noon. Hindi rin baguhan si Ruru sa industriya dahil nakapag-record na siya ng mga kantang “Let the Love Begin,” ang theme song mula sa GMA primetime series na may parehong titulo at “Sa Yakap Mo” na theme song naman ng drama series na 'Sherlock Jr.,' kung saan ka-duet niya ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Ang music video ng “Nawawala” ay idinirek ni Miggy Tanchanco at tampok ang Kapuso star na si Kelley Day.

Panoorin ito sa social media pages ng GMA Music at pakinggan sa Spotify, Apple Music at digital streaming platforms worldwide.