Showbiz News

WATCH: On-screen chemistry ng real-life couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz

By Cara Emmeline Garcia

Bibida sa unang pagkakataon ang real-life Kapuso couple na sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman sa hit comedy anthology series na Dear Uge.

Shaira Diaz at EA Guzman

Ayon kay Shaira, "Actually, sa totoo lang, first time ko siyang makatrabaho sa GMA.

"Kaya ano, nung una kinakabahan ako pero nakakatuwa 'yung experience."

Para naman kay EA, natutuwa siya sa pagkakataong maka-tandem ang kanyang girlfriend at sana'y mabigyan pa sila ng maraming proyekto tulad nito.

Abangan sina Shaira Diaz, EA Guzman, at Arianne Bautista sa "Martyr ang Matibay" sa Dear Uge ngayong Linggo, August 25, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!

Panoorin:

Matira ang matibay kina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz sa 'Dear Uge'