Showbiz News

#Nabihag: Mark Herras and actress Nicole Donesa confirm relationship

By Cara Emmeline Garcia

Tila nabihag na si former Bihag actor Mark Herras sa kanyang co-actor na si Nicole Donesa.

Mark Herras and Nicole Donesa

Sa Instagram kinumpirma ni Nicole na sila ay officially in a relationship gamit ang ilang ng photos nilang dalawa sa set ng GMA series.

Aniya, siya raw ay "Na Bihag" sa Kapuso actor kasama pa ang lock emoji.

Pinusuan rin ito ng kanilang co-stars at ilang Kapuso actors na kinikilig makita ang dalawa.

Sa Facebook naman ni Mark, inilagay niya na ang status na "officially in a relationship" kasama ang aktres.


Naging usap-usapan sina Mark at Nicole kamakailan dahil sweet na sweet ang dalawa sa kani-kanilang Instagram stories.

LOOK: Netizens ship 'Bihag' stars Mark Herras and Nicole Donesa

Pebrero 2019 inamin ni Reina Hispanoamericana 2018 Winwyn Marquez na hiwalay na sila ng Kapuso actor matapos ang kanilang tatlong taong relasyon.

Inamin ng dalawa na wala raw third party at healthy ang relasyon nila.

READ: Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras: "Yeah, I'm single right now."