Showbiz News

Jerald Napoles, naniniwalang magugustuhan ng mga manonood ang 'Mina-Anud'

By Maine Aquino

Puno ng pasasalamat si Jerald Napoles sa ginanap na celebrity premiere ng Mina-Anud nitong August 19 sa Greenhills Theater Mall.

Ang Mina-Anud ay ang closing film ng Cinemalaya 2019 mula sa direksyon ni Kerwin Go.

Dinaluhan ng kanilang mga kaibigan sa industriya at press ang premiere kaya naman nagpapasalamat si Jerald sa suportang kanilang natanggap.

"Thank you so much everyone, maraming maraming salamat sa pagpunta."

Ibinahagi rin ni Jerald na nakatanggap sila ng magandang feedback sa Cinemalaya audience.

Dahil dito, naniniwala siyang magugustuhan ng mga manonood ang Mina-Anud kapag pinanood na nila ito sa mga sinehan.

Saad ni Jerald, "Mai-enjoy niyo ito, promise, kasi na-test na namin sa Cinemalaya audience around 800 people saw it, and they all enjoyed which is good I believe."

Ikinuwento rin ni Jerald ang kanyang karakter na ginagampanan sa pelikula.

"Ako po si Carlo dito, ako po 'yung pinakaguwapong role. Kaya po sinali si Dennis (Trillo) at si Matteo (Guidicelli) para magkaroon ng texture... Ako po 'yung bestfriend ni Dennis dito."

Dennis Trillo, excited ipakilala sa mga manonood ang kanyang role sa pelikulang 'Mina-Anud'

Mapapanood na ang Mina-Anud sa mga sinehan simula August 21.