Showbiz News

EXCLUSIVE: Dating stuntman sa 'Victor Magtanggol', saksi sa pagiging mapagkumbaba ni Alden Richards

By Aedrianne Acar

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Kapuso leading man Alden Richards--matapos ang box office movie niya na Hello, Love, Goodbye, agad nasundan ng pagbibidahan niyang primetime series na The Gift--maraming nagpapatunay na nanatiling humble ang aktor.

Alden Richards

EXCLUSIVE: Look test photos for Alden Richards-starrer, 'The Gift'

Alden standing beside former stuntman and now fitness trainer Charlie Bolias

Isa na dito ang dating stuntman niya sa telefantasya series na Victor Magtanggol, si Charlie Bolias, na isa na ngayong fitness trainer.

Ikinuwento ni Charlie sa GMANetwork.com kung paano pinakisamahan ng Kapuso primetime actor ang mga taong nagtatrabaho sa para sa Victor Magtanggol.

Ani Coach Charlie, “'Pag nasa set 'yan, hindi nagpapabaya 'yan.

“Kung may pagkain siya doon, mga donuts, ipinamimigay niya sa mga stuntman, sa crew.”

Nakakabilib din na hindi niya nakitaan si Alden ng pagiging 'prima donna' set.

“Kahit sikat siya, low profile ;yan, wala kang masasabi diyan.

“Kahit sa mga lahat ng crew na nakasama ko doon walang masasabi.”

Dagdag din ng former Victor Magtanggol stuntman, laging nasa puso ni Alden Richards kung paano siya nagsimula sa showbiz.

Wika ni Charlie, “Sini-share niya na hindi din siya nagsimulang sikat din, galing din siya sa baba. Talent lang din, nagsikap lang din.”

Abangan ang mahusay na pagganap ng Kapuso primetime actor Alden Richards sa upcoming GMA Telebabad series na The Gift coming soon!

WATCH: Alden Richards, nag-e-enjoy sa kaniyang role sa 'The Gift'