Showbiz News

WATCH: Alden Richards, grateful sa pagkilala sa kanya sa Seoul International Drama Awards

By Cara Emmeline Garcia

Pagkatapos ng sunod-sunod na pagdayo sa iba't ibang parte ng Pilipinas kasama ang kanyang The Gift co-stars, bumiyahe patungong South Korea naman si Kapuso hunk Alden Richards kahapon, August 27.

Dadalo ang aktor sa Seoul International Drama Awards kung saan siya ay naimbitahan.

Kuwento ni Alden kay Nelson Canlas, ikinatutuwa raw niya na kinikila ng ibang bansa ang kanyang pinaghihirapan bilang isang aktor.

Aniya, “Second recognition ko ito so it goes to show na worth it 'yung hirap at pagod sa pagiging artista.”

Noong 2018, tinanggap niya mula sa New York Festival ang Silver Award para sa kanyang pagganap sa “Alaala: A Martial Law Special.”

Maliban dito, busy rin si Alden sa kanyang recently launched collaboration with renowned fashion designer Avel Bacudio at sa taping ng upcoming serye niya sa GMA Telebabad na The Gift.

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

WATCH: Alden Richards shows off clothing line collab with designer Avel Bacudio in local magazine shoot

Alden Richards, gaganap bilang bulag sa upcoming drama na 'The Gift'