Showbiz News

Alden Richards, pinarangalan sa Seoul International Drama Awards 2019

By Marah Ruiz

Dumalo si Kapuso actor Alden Richards sa prestihiyosong Seoul International Drama Awards na ginanap sa South Korea noong August 28.

Alden Richards

Ito ang ika-14 taon ng awards night na nagse-celebrate ng iba't ibang malikhaing mga programa sa Asia.

Tinanggap ni Alden ang Asian Star Prize, isang parangal na kumikilala sa kanyang talento bilang isang aktor pati na ang kanyang popularidad na umabot na sa labas ng Pilipinas.

"I've never been to Korea. First time ko. Sarap ng first time na makaka-receive tayo ng award from them," pahayag ni Alden sa kanyang panayam sa GMANetwork.com.

Isa na naman daw ito sa mga blessing na natanggap niya ngayong taon.

"Masayang masaya ako. Sobrang happy po ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi ko na alam kung paanong pagsasaya pa ang gagawin," aniya.

Hindi ito ang unang pagkakataong pinarangalan si Alden internationally.

Noong 2018, tinanggap niya mula sa New York Festival ang Silver Award para sa kanyang pagganap sa Alaala: A Martial Law Special.