Nagtagpo sa isang birthday party ang mga anak ng celebrity couples na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Silipin ang mga litrato nina Baby Letizia Dantes at Baby Zion Gutierrez sa kanilang pagkikita.
Dumalo si Baby Letizia kasama ang kanyang mga magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa birthday party ng kanyang kinakapatid na si Audrey.
Present din sa party si Baby Zion, ang unico hijo nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Silip muna. Tila nahihiya pa si Baby Zia na harapin ang kanyang mga kaibigan.
Hello! Na-meet na ni Baby Zia si Baby Zion!
Nakipaglaro rin si Baby Zia sa ibang kids.
Game din na nakilaro si Mommy Marian kasama ang kanyang unica hija.
Tulad ni Mommy Yan, talagang mapapamahal ka sa mga cute na cute na babies tulad nina Baby Zia at Baby Zion.