TV

Ken Chan at Rita Daniela, bagong journey hosts ng 'The Clash'

By Jansen Ramos

Ang isa sa hottest Kapuso love teams na sina Ken Chan at Rita Daniela ang bagong journey hosts ng The Clash.

'The Clash,' kasado na ang pagbabalik sa telebisyon

Mas magiging kapana-panabik ang pagbabalik ng all-original Filipino singing competition dahil ibang side naman ng RitKen ang makilala ng mga manonood.

Kung sa My Special Tatay ay nangibabaw ang kilig, dito naman sa The Clash ay puso ang kanilang paiiralin.

Ani Ken sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kamakailan, "Iko-comfort namin 'yung mga contestant, especially, sa mga pinagdaanan nila 'cause it's a competition.

"Nand'yan 'yung kaba, 'yung lungkot kapag natanggal sila so nandito kami.

"Isa kami sa mga magka-counsel sa kanila."

Kung ikukumpara ni Ken ang Walang Tulugan at Day Off sa The Clash, mas challenging daw maging host ng isang singing competition.

Pahayag ng 26-year-old actor, "This one is different medyo seryoso pero 'yung job namin is to make it light and I think sa GMA, maituturing ko siya na isa sa mga major hosting jobs na ibinigay sa'kin."

Samantala, hindi rin ito ang first time ni Rita na maghost.

Matatandaang naging host siya ng Planet Q na ipinalabas sa QTV Channel 11 noong 2008, kasama ang kanyang SugarPop co-members na sina Pocholo Bismonte, Renzo Almario, at Julie Anne San Jose.

Saad ni Rita, naging training ground niya ang defunct show bilang paghahanda sa pagho-host ng malaking produksyon gaya ng The Clash.

Pagbabalik-tanaw ng 23-year-old actress, "Meron kaming show nila Julie, mga bata pa kami no'n.

"We hosted a show tapos ang kinaibahan nito with this one, shinu-shoot namin siya na naka-chroma kami so mas na-train kami do'n kasi 'yung hosting namin do'n wala kaming kasama, wala kaming kausap.

"So parang kailangan animated kami ganyan but this one, ma-e-encounter namin 'yung mga contestants."

Nang tanungin kung anong flavor ang kanilang ipapakita ni Ken sa The Clash, sagot ni Rita, "Ipapakita namin kung paano lang kami in real life kasi there's nothing to add and to force, kasi basta once naman na naging totoo ka na, 'yun na s'ya.

"I think mas relatable 'yun para ma-feel naman ng viewers kung ano 'yung totoong kami."

Dagdag pa niya, "I think mas makikilala nila 'yung Ken and Rita kasi kung paano kami kumausap ng tao gano'n lang din, magno-normalize.

"This show talaga will really help us kasi it will be our platform to show who we really are."

Pagtatapos ni Rita, "'Yung maabot namin sila, that's the most important thing."

Matatandaang sina Joyce Pring at Andre Paras ang gumanap bilang journey hosts, na kung tawagin ay "Clashmates," noong first season ng The Clash.

Rita Daniela at Ken Chan takes "Not My Arms Challenge" in 'TWAC'

Ken Chan and Rita Daniela: Singing the same tune in life and career