Dalawang misis, iisang mister? Krisis talaga ‘yan! Sundan ang kanilang kuwento ngayong Linggo, July 31, sa ‘Dear Uge.’
Isang mister, pero dalawang misis? Krisis!
Gaganap si Rochelle Pangilinan bilang si Victoria, ang common-law wife ni Joselito.
Si Amanda naman ang bibigyang-buhay ni Max Collins, ang kabit ni Joselito.
Si Mike Tan ang gaganap na si Joselito. Kaya naman pala habulin ka ng dalawang misis, ang haba rin pala ng buhok mo!
Hindi siyempre magpapatalo si Victoria sa kabit ng kanyang mister.
Wala namang balak umurong sa pagiging may bahay ni Joselito si Amanda.
Ang matalik na magkaibigan sa totoong buhay, grabe ang away sa ‘Dear Uge.’
Ang dalawang misis, manunuluyan kasama ni Joselito sa iisang bahay.
Nagkakapikunan man madalas, matututunan nilang mamuhay ng magkasama at mapayapa.
Magkasundo na ang dalawang misis!
Tila magkakampi na rin sila at si Joselito ang kaaway?
Arianne Bautista, may kinalaman ka ba dito?
Magugulat ka sa kahihinatnan ng kanilang kuwentuwaan! Tutok na ngayong Linggo, July 31, sa ‘Dear Uge’ pagkatapos ng ‘Sunday PinaSaya.’