Showbiz News

Mart Escudero, napasama sa sindikato

Umamin si Mart Escudero na he’s been hanging around a different kind of crowd these days. At eto pa—inamin din niya na isa na siyang adik sa pinagbabawal na gamot. Pero lahat ito ay sa story lamang ng pinaka-bagong prime time show ng GMA, ‘Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.’ Text by Loretta G. Ramirez. Photo by Mitch S. Mauricio. Sanay tayong makita si Mart Escudero na tahimik at mabait sa telebisyon, pero sa pinakabago niyang show sa prime time, makikita natin ang kakaibang Mart na tiyak naman kaiinisan at kamumuhian natin.
Playing Ulysses sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, excited na ikinuwento ni Mart ang preparasyon na ginawa niya sa kanyang kakaibang character. “Kapatid po ako ni Marian [Rivera] dito tapos isa po akong adik. Kung baga, mapapasama ako sa isang sindikato at pipiliting nila akong matutong gumamit ng kung anu-anong gamot,” ang paglalarawan ni Mart kay Ulysses. Inamin niya na seryoso niyang pinaghandaan itong role na ito kasi malayo ito sa mga usual characters na ginagampanan niya in the past. “Naku, matagal kong pinaghandaan ito kasi nga medyo malaki ako dati kaya nagpapayat ako, nagpahaba ako ng buhok, at nagpapatubo ako ng balbas at bigote," ang natatawang kuwento ni Mart sa iGMA. "Nag-diet din ako, as in talagang diet! Minsan twice a day lang ang kain ko, walang extra rice, walang soft drinks, konting ulam lang at konting kanin. Kapag bitin ako, bubusugin na lang sa tubig,” Idinagdag pa nya na nag-research siya talaga about his role and may mga ginamit din siyang pegs para sa portrayal ng character ni Ulysses. “Inalam ko 'yung mga itsura nila [drug addicts] at mga galaw nila. Nanood ako ng DVD. Si Johnny Depp [ang isa sa mga pegs ko]. Napanood ko 'yung mga pelikula nya dati, pati na rin si Keanu Reeves, may isa siyang pelikula na hindi naman addict pero parang ganun din 'yung dating,” ang kuwento pa ni Mart. Inamin din niya na masaya siya dahil kakaibang character naman ang gagampanan niya and that he is really excited to be part of this suspense-action-drama series. “Iba ito, eto na 'yung bago! Pinaghandaan ko naman ito ng mabuti, sa tingin ko ready na ako,” ang matapang na pahayag ng batang actor. Subaybayan ang character ni Mart na si Ulysses sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang right after Gagambino, sa GMA Telebabad block. Alamin ang pinakago kay Mart! Text MARTand send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)