Showbiz News

When I Met U may be the last Richard-KC movie

Ang pelikulang 'When I Met U' ay mapapanood na natin this Valentine's week! Itong nakaka-kilig na love story ay very special for its stars, Richard Gutierrez and KC Concepcion. This would probably be their last project for a long while, kaya, for them, they made their time together as unforgettable as possible. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. During the last press confererence of When I Met U ay tinanong ang lead stars kung ano ang mga bagay na kanilang hindi makakalimutan sa isa't-isa. And clearly, sina Richard Gutierrez and KC Concepcion, sa kanilang pangalawang pagsasama sa movie, ay nakapag-develop na ng ibang klaseng affection for each other.
Si Richard ang unang nag-kuwento: "Mamimiss ko talaga siya. After this movie, medyo matagal kaming hindi magsasama, medyo matagal-tagal. So mami-miss ko si KC dahil every moment na kasama ko siya sa shooting talagang laging ang taas ng energy niya. At si KC kahit puyat siya, kahit na galing siya sa ibang lakad, pagdating niya sa set na-uuplift niya lahat ng tao dahil sa energy na binibigay niya, sa positive vibrations na pinapasa niya sa tao. Nakakatuwa 'yun kay KC, dahil hindi lang ako, pero everyone around the set napapasaya niya. Sabi nga nitong crew, mas naging fans ni KC after the movie, experiencing the movie with her, so talagang doon pa lang hanga ako kay KC pagdating sa personality niya at pagdating sa trabaho." Siyempre hindi lang sa trabaho maalala ni Richard si KC. "Mamimiss ko rin kay KC 'yung tofu-everything na pagkain, lahat tofu. Plano ko nga sa birthday niya, mag de-design ako ng tofu lechon--'yung mata gawa sa broccoli, 'yung buntot sa asparagus--para kay KC," patawang sabi ni Richard. "[Ang] mamimiss ko kay Chard [naman], 'yung pagka-relaxed niya sa lahat ng ginagawa namin. Unlike siguro 'yung ibang nakatrabaho ko in the past na hindi ganito ka-close 'yung working relationship, pero nakikita ko sobrang it takes a lot for Chard to get stressed, he doesn't get stressed easily. Nakaka-relax kasi parang ako pa nag-aalala na ganito [tapos] siya, 'Chill!' puro ganun na lang," ang banggit naman ni KC tungkol sa kanyang leading man. Proof na din na si Richard ay isang easy-going na tao, salaysay pa ni KC, na ang mga shoot nila ay parang bakasyon lang sa binatilyo: "'Yung 'pag out-of-town kami, kahit papaano nangangarag po lahat, pero si Chard 'yung tipong tao ang tingin niya sa out-of-town na location talagang excursion. Kaya napapagaan din po 'yung trabaho, 'yun ang mamimiss ko sa kanya." Update: Latest data from the box office reveal that When I Met U grossed a record-setting P25 Million on Valentine's day alone! Alamin kay Richard kung ano ang mga next projects niya! Text RICHARD [Your Message] and send to 4627 for all networks. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, TM, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is only available in the Philippines. Pag-usapan ang pelikulang When I Met U by logging in to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!