Showbiz News

In Dennis's web: His fourth iGMA Live Chat

Every time Dennis Trillo drops by iGMA for a Live Chat, isa lang naman ang lagi niyang sinasabi pagkatapos—'Kailan ang susunod?' So this time around, we let the press interview him about the whole live chat experience. Let's see kung may ibang sasabihin ang isang Dennis Trillo. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
Sa history ng iGMA Live Chat, iilan pa lang sa mga Kapuso guests natin ang dumating on time, at sa kanila, konti lang din ang agad-agad sumabak sa pakikipag-chat sa kanilang fans. Si Dennis Trillo ang tatlo sa mga Kapuso guests na ito. Last February 5, fresh from visiting Calix, Dennis Trillo arrived at exactly 1:55 in the afternoon; five minutes before his live chat was scheduled to begin. And instead of asking for a drink or something to eat, dumiretso siya sa computer at sumagot agad sa mga naghihintay sa kanyang messages at questions. Dennis is truly a trooper! "Every time nagcha-chat ako dito sa iGMA, hindi ko namamalayan 'yung dalawang oras lumilipas," sinabi ni Dennis sa ilang press people na nakarating sa kanyang fourth iGMA Live Chat, which promoted the upcoming finale of Gagambino. And this time around, focused talaga si Dennis sa kanyang pakikipag-chat. After all, he has a record to beat—his own. And how does he feel na, for the second time, he beat the highest-hitting live chat in the history of iGMA? "As always, sobrang saya," sagot niya. And who wouldn't be happy? The reason Dennis loves going to his live chats is because he wants to chat with his fans; icing on the cake na lang na lagi siya ang may pinaka-maraming chatters. "Kasi makikita mo 'yung mga tumatangkilik sa'yo galing sa iba't-ibang parte ng Pilipinas at ng mundo. Nakaka-flatter 'yung mga comments nila, eto 'yung sobrang ano eh, parang ang lapit ko lang sa kanila kahit malayo sila. Dahil dito sa chat session na 'to, parang sobrang personal tsaka up close lang talaga. "Kaya nakakatuwa dahil talagang sumusubaybay sila. Nakakataba ng puso at ang daming nag-online talaga para makasali sa chat session na 'to." Ang nakatutuwa pa for Dennis is he was able to beat his record even though nagkaroon ng konting malfunction ang computer na ginagamit niya. So what did iGMA do? Play a game with Dennis, of course! He proposed a Valetine date sa isang unsuspecting girl sa loob ng studio, rapped the theme song of Gagambino, and answered a few intriguing questions, including "Kung papipiliin ka ng magiging karibal na lalaki sa puso ng isang babae—sino sa mga Kapuso male stars ang gusto mong maging karibal? No explanations."
Ang sagot niya was Richard Gutierrez and Dingdong Dantes. And though we wanted no explanations during the game—siyempre, kailangan pa rin namin malaman kung bakit sila ang napili niya. Ang sagot niya? "Well, kasi sila 'yung mga superstars, eh," paliwanag niya. Dennis also humbly adds he doesn't think he has reached their level of stardom yet. "Nandoon sila, at nandito lang ako. Pero siyempre, kung papapiliin ka ng karibal, eh 'di sila na lang 'yung pipiliin ko." Why doesn't Dennis think he's reached their level yet, though? After all, as one press person points out, Dennis is already top-billing shows of his own. "Hindi naman porque't nagbibida ka eh ka-level mo na sila, 'di ba? Pero masaya ako kung nasaan ako ngayon. And ayaw kong makipag-kompitensiya sa kanila kasi masaya ako sa kinalulugaran ko at kontento ako dito." In parting, Dennis is always thankful sa kanyang fans. This time, ito naman ang kanyang message: "Salamat sa inyong lahat. Thank you! Wag kayong magsawang sumuporta, Kapuso tayo all the way. And abangan niyo 'yung mga bagong shows ng GMA-7, lalo na siyempre 'yung gagawain namin ni Heart [Evangelista] sa Dramarama sa Hapon, Muling Buksan ang Puso." At gusto mo ba ng sample kung gaano ka-kwela si Dennis nung araw na 'yon? Here are just some of the questions he answered during the chat: kristirn1781: Kung hindi ka artista ano ka ngayon? dennistrillo: hmm. rockstar siguro! Hehe docmarge: ano po mamimiss mo sa gagambino? dennistrillo: the skimpy costume! Haha dod: anong klaseng bike ang ginagamit mo sa biking webisode mo? dennistrillo: ang bike na ginagamit ko ay mountain bike; ang frame niya ay heckler, gawa ng Santa Cruz, at ayun. Kung gusto mong makita pa 'yung bike ko na 'yun, ifi-feature din siya sa isang magazine so abangan niyo 'yun. britnnis12: anu nga ba c dEn kung ndi artista?? ^O^ dennistrillo: ROCKSTAR! lilbowow18: anong suot mo sa loob pagGAGAMBINO costume ka? dennistrillo: brief lang! At marami pang ibang wacky replies si Dennis na mababasa niyo sa transcript at mapapanood niyo sa kanyang exclusive webisode soon! Pangalawang live chat pa lang 'yan ngayong taon! iGMA continues to give its readers their most requested tandems next week when Marian Rivera and Dingdong Dantes reunites sa iGMA Live Chat! That's on February 19, from 2 p.m. to 4 p.m. in the afternoon (Philippine Time). So kung hindi ka pa registered—what are you waiting for? In the meantime, alamin ang mga sikreto ng Carlo J. Caparas's Gagambino sa pagtatapos nito! Ilang linggo na lang at malalaman na kung alin ang mas matimbang kay Bino: ang kanyang tadhana o ang kanyang puso?