Showbiz News

WATCH: Ryan Cayabyab, gagawaran ng 2019 Ramon Magsaysay Award

By Cara Emmeline Garcia

Gagawaran ng 2019 Ramon Magsaysay Award si National Artist for Music Ryan Cayabyab para sa kanyang contribution sa sining at musika.

Ryan Cayabyab / Source: ryancayabyab (TW)

Aniya, ang mga titulong natatanggap niya ang nagsisilbing kumpirmasyon sa mga naitutulong niya sa musikang Pilipino.

“I'm happy that the projects that we started, projects that promote Filipino music, projects that keep on training younger people -- 'yun 'yung pinka-reward para sa akin.

“And then itong 'National Artist' and 'Ramon Magsaysay' awards, I guess this is just a confirmation of what I am doing.

“Which means I must be doing something right.”

Maliban sa bagong gantimpalang matatanggap, si Ryan Cayabyab rin ang kinilala bilang composer at arranger ng official theme song ng ika-30 SEA Games na pinamagatang “We Win As One.”

Inanunsyo ni Broadway singer Lea Salonga ang maestro kasama sina Floy Quintos at Jimmy Antiporda sa premiere ng music video nito.

Panoorin ang buong ulat ni Mav Gonzales:

LOOK: Ryan Cayabyab shows a scene from the UP Fair some 40 years ago

WATCH: Official theme song ng ika-30 SEA Games, kinanta ni Lea Salonga