Showbiz News

WATCH: Kapuso lead stars ng 'The Better Woman,' 'Dahil sa Pag-ibig,' at 'One of the Baes,' pinasaya ang mga Kapuso sa probinsya

By Aaron Brennt Eusebio

Pinasaya ng lead stars ng The Better Woman na sina Derek Ramsay at Andrea Torres ang mga Kapuso sa probinsya sa kanilang mall show.

Kapuso lead stars ng 'The Better Woman,' 'Dahil sa Pag-ibig,' at 'One of the Baes,' pinasaya ang mga Kapuso sa probinsya

Hiyawan ang mga tao nang lumabas sina Derek at Andrea sa Oton, Iloilo. Pagkatapos nito, tumungo nila sa Pavia, Iloilo, kung saan nagkaroon ang ilang fans na makasama si Derek on stage.

Nakisaya rin sina Derek at Andrea sa Araw ng Lucena sa Quezon Province kasama si Ina Feleo.

Ang lead male stars ng Dahil sa Pag-ibig na sina Benjamin Alves at Pancho Magno ang nagpasaya sa mga sa Legaspi City.

Ang phenomenal love team naman nina Rita Daniela at Ken Chan, at si Edgar Allan Guzman ng One of the Baes ang nagpasaya sa Tuna Festival sa General Santos City.

Huwag palampasin ang mas tumitinding eksena sa The Better Woman, Lunes hanggang Biyernes sa GMA pagkatapos ng Love You Two.

Mapapanood naman ang Dahil sa Pag-ibig na pinagbibidahan din nina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Pancho Magno at Winwyn Marquez tuwing Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.

Mapapanood naman na ang One of the Baes nina Ken at Rita ngayong Setyembre sa GMA.

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: