Showbiz News

EXCLUSIVE: Jade Lopez is pregnant!

By Maine Aquino

May good news ang Kapuso star na si Jade Lopez.

Jade Lopez


Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com ay ibinahagi niya ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis sa kanilang anak ni Rocky Siccion.

Ayon sa StarStruck season 1 graduate, nalaman niya agad na siya ay nagdadalang-tao dahil matagal na nila itong pinaghahandaan.

"After my miscarriage last year, nag-try na uli kami so naka-monitor talaga kami sa monthly period ko. Noong na-delay ako we knew na agad na pregnant ako."

Takot umano ang unang pumasok sa isip ni Jade nang malaman niyang buntis siya. Kuwento ni Jade, "First is fear. Fear of the unknown. 'Yung mga what ifs ko, like what if wala na naman heartbeat 'yung baby. So nag-ingat talaga ako hanggang hindi pa lumalabas yung heartbeat ng baby parang hindi pa ako makampante and then finally noong nakita na namin may heartbeat I felt relieved. Tapos masayang masaya."

Pareho umano silang nakaramdam ng takot ng kanyang asawa na si Rocky. Pero agad naman itong napalitan ng saya sa blessing na kanilang natanggap.

"Masayang-masaya siya. Pero alam ko na anxious din siya until nalaman namin na may heartbeat. When he saw the heartbeat, pagkalabas namin sa ultrasound, sa kotse kaming dalawa nag-iyakan."

Tulad ng ibang expectant moms, nakaramdam rin ng hirap sa pagbubuntis si Jade. Saad ni Jade, "I experience morning sickness. Mahirap talaga 1st trimester ko. May mga smell na ayoko like mga ulam na baboy, pati shawarma ayoko."

Dagdag pa ni Jade ay nakaramdam rin siya ng hirap sa set ng Bihag kung saan gumanap siyang Liza na kaibigan ni Max Collins.

"It was during the time din na nagte-taping ako sa Bihag. Hirap na hirap ako gumising. Pero grateful ako sa buong production, cast and crew. Sila Direk Neal del Rosario at Direk Rommel Penesa and of course my producers were very very supportive."

Ibinahagi naman ni Jade kung ano ang gender na gusto niya para sa kanilang baby.

Saad ng aktres, "At first I wanted a baby boy kasi nga wala akong kuya. Pero habang tumatagal kahit ano basta ang importante healthy."

Sa ngayon ay magbibigay muna ng oras umano si Jade sa kanyang pagbubuntis. Ibabahagi niya ang ilang detalye tungkol dito sa kanyang YouTube channel.

Kuwento ni Jade, "Pinagkakatuwaan ko ang vlogging,subscribe kayo sa YouTube channel ko! And I will be talking about my pregnancy journey doon. Ang husband ko naman na si Rocky ay doble or triple ang sipag niya ngayon kasi nga syempre we wanted to give our child a brighter future."

Panoorin ang pregnancy story ni Jade sa kanyang YouTube channel.