TV

WATCH: Ano ang hanap nina Lani, Aiai, at Christian sa 'The Clash' Season 2 contenders?

By Cara Emmeline Garcia

Pagkatapos ipakilala ang magiging host ng The Clash Season 2, magbabalik hurado naman sina Lani Misalucha, Aiai Delas Alas, at Christian Bautista sa singing competition.

The Clash introduces new hosts in its exciting second season

Ayon sa tatlong judges, maliban sa galing sa pagkanta ay all-around performer raw ang kanilang hanap sa pangalawang season ng The Clash.

LOOK: Meet the Top 64 Clashers

Paliwanag ni Asia's Nightingale Lani Misalucha, “Mayroon kaming iba pang iko-consider para talagang mapili namin kung sino ang karapat-dapat doon [sa title na 'yun].”

Although second time around nila maging hurado, hindi pa rin daw magiging madali ang kanilang trabaho sa pagpili ng magiging The Clash grand champion.

Ani Aiai, “'Yung buhay niya ay magbabago dun e, at ikaw ang gagawa nung buhay na mababago.”

Mapapanood ang world premiere ng The Clash ngayong September 21 dito lang sa GMA-7.

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:

WATCH: Aicelle Santos's powerful showdown with 'The Clash' graduates