Showbiz News

An explosive ending for Gagambino

Sa pagtatapos ng 'Gagambino,' tiyak na maraming nag-aabang sa mga explosive action scenes ni Dennis Trillo. In fact, nakausap namin ang isa sa mga fight directors ng show to confirm kung ano nga ba ang dapat abangan sa nalalapit na ending ng story ng ating favorite Pinoy superhero. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Totoo naman nakakapanabik ang ating mga gabi dahil sa painit nang painit na mga eksena sa Gagambino. According to Michael Roy, isa sa mga fight directors ng show, tiyak na matutuwa ang mga manonood sa hinanda nilang ending ng story ni Bino. “Kasi habang patapos na tayo pinatitindi natin 'yung mga stunts dito, kaya paganda siya nang paganda, pasakit nang pasakit sa paningin ng tao,” ang paliwanag ni Michael sa iGMA nang bisitahin namin ang set ng Gagambino.
Nasaksihan namin ang isang elaborate fight scene kung saan kailangang i-harness si Arthur Solinap, isa sa mga main villains ng show. Talaga namang nakakatakot at nakakanerbyos dahil malaki rin ang risks sa mga artista when they do fight and action scenes. “Kada fight sequence na gagawin namin mula noong umpisa hanggang this point, malulupit siya eh—may hinagis sa drum, tumagos sa pader, tumambling sa ibabaw ni ganyan. So, sa finale, mas pinag-isipan namin ‘to,” kuwento ni Michael sa amin. Idinagdag pa niya na viewers should look forward to their action routines sa mga last few episodes ng Gagambino. “Masasakit siyang tingnan pero mas maganda. At the same time, maganda sa mata ng mga bata. Kasi ang audience namin, 70 to 80 percent bata, eh. Gusto nila 'yung explosive sa mata na parang Street Fighter at Dragon Ball eh, since Gagambino ‘to [at] super hero siya, inisip namin gawan ng mga ganun din.” Kaya naman huwag palampasin ang mga natitirang episodes ng Gagambino weeknights right after Luna Mystika, sa GMA Telebabad block! Talk about this topic sa iGMA forums.