Showbiz News

Rocco Nacino on being a Navy reservist: 'Ramdam na ramdam ko na may buhat akong responsibility'

By Jansen Ramos

Kaabit ng pagiging Navy reservist, sumasailaim sa trainings at lectures si Rocco Nacino.

WATCH: Rocco Nacino, nagpa-enlist na sa Philippine Navy

Kahit na abala sa pagte-taping para sa Descendants of the Sun at sa pagpapatayo ng kanyang bahay, napaglalaanan pa rin ng oras ng aktor ang pagdalo sa kanyang basic civilian's military training o BCMT tuwing Sabado.

Rocco Nacino stays motivated for his house project; refuses to live in with GF Melissa Gohing

Nakakwentuhan namin si Rocco sa briefing ng kanyang show sa Dubai kamakailan at ibinahagi niya ang kanyang karanasan dito.


Sabi niya, "Katulad siya ng ginawa namin sa [Special Forces training] para sa DOTS.

"It's equally hard at halos pulukatin na ko.

"'Yun 'yung pag-welcome physically, parang initiation.

"And after that, we were welcomed with open arms.

"May brigadier general na key note speaker na talagang winelcome at kinamayan kaming lahat to officially welcome us in Philippine Navy.

Dugtong pa ni Rocco, "So this Saturday, sasabak ulit [ako sa training.]

"Actually marami akong lectures, may exam ako, may homework, may parang program pa.

"It's gonna be 10-15 Saturdays for the basic civilian's military training.

"'Tapos may lectures para maintindihan talaga namin at ma-appreciate kung ano ang role ng sundalo sa country natin."

Ani pa ni Rocco, hindi niya alintana ang hirap na pinagdaraanan dahil dito niya lalong naiintindihan ang kahalagahan ng kanyang role bilang sundalo.


"I've been enjoying this experience.

"Mahirap lang mag-stay awake pero ang sarap sa feeling na habang nagle-lecture na naka-uniform kami, ramdam na ramdam ko na may buhat akong responsibility," ika niya.

READ: Rocco Nacino on being a Navy reservist: "It's something bigger than just work'