Showbiz News

WATCH: 'StarStruck' Final 4, haharap sa huling hamon bago ang Final Judgement

By Cara Emmeline Garcia

Pagkatapos ng ilang linggo, nabuo na rin ang Final 4 ng StarStruck na sina Shayne Sava, Lexi Gonzales, Allen Ansay, at Kim De Leon noong September 7 at 8.

Ang apat ay maglalaban sa darating na Sabado at Linggo para sa mga titulong Ultimate Male and Female Survivors ng season 7 ng reality-based artista search.


Pero bago parangalan ang winners, sasabak muna ang apat sa huling hamon para patunayan kung sino sa kanila ang karapatdapat manalo sa kompetisyon.

Panoorin ang buong chika ni Iya Villania:


Heart Evangelista, Cherie Gil, and Jose Manalo give their message for 'StarStruck' season 7 Final 4

WATCH: Pamela Prinster says goodbye to 'StarStruck'