Showbiz News

WATCH: Star-studded red carpet premieres ng Pista ng Pelikulang Pilipino, dinagsa ng fans

By Cara Emmeline Garcia

Dinagsa ng fans ang kabi-kabilang red carpet premieres ng mga pelikulang kalahok sa ika-3 Pista ng Pelikulang Pilipino sa iba't ibang parte ng Metro Manila.

Jay Manalo at Jean Garcia

Kabilang sa mga kalahok ay ang LSS na pinagbibidahan ni Gabbi Garcia at ang nobyo nitong si Khalil Ramos.

Kasama rin sa listahan ang glamorosang The Panti Sisters na tinatampukan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario, pati na ang directorial film ni Boy 2 Quizon na I'm Ellenya L.

Kalahok rin ang action movie ni Jean Garcia na Watch Me Kill at ang drama film na Circa na pinagbibidahan nina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, Anita Linda, at Eddie Garcia.

Ang ika-3 Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP ay ang selebrasyon ng pelikulang Pinoy na magsisimula ngayong Biyernes, September 13 hanggang September 19.

Sa buong linggo ipapalabas sa mga sinehan ang 10 pelikulang kalahok sa PPP.

LOOK: Paolo, Martin, and Christian, dressed in full drag for 'The Panti Sisters' premiere

IN PHOTOS: Kapuso, Kapamilya stars grace the premiere night of the Gabbi Garcia-starrer 'LSS'