Showbiz News

How Aljur plays Libado with passion

Aljur Abrenica has one of the more memorable roles sa 'Luna Mystika.' Bilang si Libado, isang tikbalang, ano ang mga challenges na hinarap ni Aljur? At, ang mas importanteng tanong, paano sila magkakatuluyan ni Kris Bernal kung isa siyang tikbalang? Text by Jason John S. Lim. Interview with Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Nang makapanayam ng iGMA si Aljur Abrenica, wala pa sa puntong naging magkaaway ang characters niya at ni Kris Bernal. Ngayon, alipin na si Malou (ang role ni Kris) at malaking-malaki na ang galit ni Libado sa mga mortal. Pero hindi 'to maaari para sa love team na 'to! Ano ang nangyayari? Hindi ba sila magkakatuluyan dito? "Oo nga, eh! Baka," sagot sa amin ni Aljur, na halata namang may ayaw ipaalam sa amin. At nalaman nga namin, afterwards, na mukhang unexpected nga raw ang magiging ending para kina Libado at Malou.
But we're getting ahead of ourselves. Initially, during the story conference, nabanggit na magiging tao si Libado para magkatuluyan sila ni Malou. Pero according to Aljur, mukhang scrapped na ang idea na ito. "Kasi wala akong nababalitaan, kahit ako mismo," he replies. "Baka ayaw na nila ako maging tao. Eh ang sabi sa akin, baka hindi na daw. Baka lang. Pero wala pa pong final [decision] kung magiging tao ako o magiging tikbalang na rin si Kris. Basta 'yun." Marami yata ang malulungkot kung maging tao si Libado—lalo pa't naging part na ng show ang abs na ipinakikita ni Aljur! "Meron na ba?" nakangiting tanong ng binata. We told him na nung press conference, pinagkaguluhan ang pangangatawan niya, to which he replies, "Pinaghandaan ko 'yun—siguro mga one week." Pero, according to Aljur, ang hindi niya napaghandaan ay 'yung magiging effect ng costume niya sa kalusugan niya. Bilang Libado, exposed ang buong upper body ni Libado, with only his lower body covered with fake fur. At dahil sa kagubatan nagte-taping ang Luna Mystika, "Hindi biro 'yung taping namin, eh." Hero Angeles, Pauleen Luna, and even the star herself, Heart Evangelista, all got sick during the tapings. At hindi nakaligtas si Aljur dito. "Buti na lang cough lang, lagnat lang. Ilang weeks pabalik-balik 'yung lagnat ko. Wala eh, ganoon talaga," banggit niya. For the love of the fans na nga daw ang ginagawa nila Aljur. At kapag sa tingin niyang kaya naman niya ang eksena, hindi na lang raw niya pinaaalam sa staff ng show. "'Pag alam kong kaya ko. Pero 'pag hindi ko kaya, sasabihin ko talaga." And, Aljur adds, thankfully, wala pa naman daw aksidenteng nangyayari sa kanya sa Luna Mystika. That is, kung hindi daw bibilangin ang mga tapilok at dapa niya dahil sa suot niyang footwear. "10 inches yun!" Aljur says he has to wear the shoes everyday para masanay siya. Pero every time he takes the shoes off, kailangan niya ipamasahe ang mga daliri sa paa niya. "Naninigas, masakit." Again, for the love of the fans, kaya hindi na inire-reklamo ni Aljur 'yung kailangan niyang isuot. Pero bakit nga ba sumasakit ang paa niya?
"'Yung sapatos ko kasi, pointed na ganoon," he gestures with his hands. Patungkod daw ang tayo niya with his shoes. "Tapos elevated pa." Kaya naman daw, kahit maliliit na mga bato lang, natatapilok siya. Alam na nga raw niya kung ano ang gagawin niya para makaiwas sa mga sugat. There was this one instance nga na natawa na lang sila. "'Yung tumatakas ako kay Alguwas [after stealing the wand]," Aljur reveals, habang tumatakbo raw siya, nadapa siya at nawala sa frame—kala daw ng crew tumakbo siya talaga. So would he want to trade characters, if he had known na ganito ang mangyayari? No, sabi ni Aljur. "Libado talaga. 'Yun 'yung gusto ko." Bakit? "Ang sa akin, napaka-thankful [ko] kasi talagang pinag-iisipan talaga [ang character ko] pati sa pagsulat sa script. Siguro plano 'to ng mga bossings. So napaka-thankful ko po sa kanila na nabibigyan kami [ni Kris] ng chance na mapakita 'yung talent namin sa acting, na pinagkatiwalaan kami na magkaroon kami ng role na ganoon," sagot niya. At mukha nga talagang malaki ang tiwala sa kanila ni Kris, dahil sila na ang maghe-headline ng susunod nilang show! Kaya naman todo pasasalamat rin si Aljur sa fans ng love team nila ni Kris. Matatapos na ang Luna Mystika, pero hindi kailangan malungkot ng fans nina Aljur at Kris! Dahil simula Marso, mapapanood na rin ang dalawa sa kanilang first soap kung saan sila mismo ang main stars! Dapat Ka Bang Mahalin? will replace Saan Darating ang Umaga? soon on Dramarama sa Hapon ng GMA. And be more updated sa mga ginagawa ni Aljur! Subscribe na sa Fanatxt service niya! Just key in ALJUR on your cellphone and send to 4627 for all telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is exclusively for the Philippines only.)