Showbiz News

Nadine Samonte, the bookworm

Nadine Samonte—'StarStruck' Avenger, leading lady, Stitch collector, and bookworm. During one of the set visits ng iGMA sa 'Gagambino,' nag-share si Nadine about her favorite hobby—next to collecting Stitch memorabilia, that is. Text by Jason John S. Lim; interview with Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Aminado si Nadine Samonte na homebody siya, isang taong hindi mahilig gumimik at gumala. Pero wala namang problema sa kanya, dahil sa kanyang favorite hobby na kaya siyang dalhin hindi lang sa ibang lugar, kundi sa ibang mundo rin. "Nagaganahan ako ngayon magbasa ng books," Nadine begins. "Lahat ng series—mga series ang binabasa ko." She adds na currently, ang tinatapos niyang series ay ang Inkheart, na recently lang din ay ginawang pelikula. "['Yung] Inkheart, nabasa ko na siya," paliwanang niya. At the time of our interview, tinatapos na ni Nadine 'yung Inkspell, the second book in the trilogy—which we, at iGMA, have already finished reading. Sa pag-uusap namin, nabanggit namin kay Nadine that the book was originally published in German, na siya namang ikinatuwa ni Nadine.
"Ah! Kaya pala nakalagay sa wrap! Thank you for translating!" sambit niya. With only one book left sa trilogy, naikuwento ni Nadine sa amin na may nakapila nang susunod na series for her reading pleasure: ang Belgariad. "Before Harry Potter pa siya lumabas—buti nakabili pa ako ng kumpleto, ang hirap maghanap 'pag luma na! Sobra ang hirap." Nadine shares her book passion with one of the program managers ng network, specifically si Miss Redgynn Alba, ang program manager ng Gagambino: "Sabi ni Miss Redg, nabasa na niya ['yung Belgarian], ang ganda-ganda daw." And mukhang kahit hindi pa nasisimulan ni Nadine ang book, she already knows a lot about it. Kuwento niya, "May mga story doon na nakaka-in love at nakakainis, at meron pang horror! Belgariad. Parang lalaki siya na lumaki sa [farm], tapos 'yung sa paglaki niya, doon niya nalaman na may mga powers pala siya. Tapos kailangan pala mag-asawa siya ng [certain] na babae. Tapos 'yung babae, sobrang sungit—so paano sila magsasama? Basta maganda." Once Nadine starts to talk about books, wala nang hintuan. And we're not complaining, dahil napaka-refreshing makakausap ng celebrity na ang favorite hobby ay reading. Hindi pa nga tapos ang pag-share ni Nadine! According to her, hindi raw niya nagustuhan ang Harry Potter kasi una niyang napanood 'yung movie: "Ang pangit! 'Yung una pa lang pinanood ko, na-bore na ako." Pero she was convinced by her friends na bigyan ng chance 'yung books. "Sabi nila, maganda raw sa libro." Kaya naman last Christmas, sinorpresa daw siya ng boyfriend niya with the first six books. "Ako na 'yung bumili nung [number] 7," dagdag pa ng dalaga. Nadine also reveals na meron nga daw siyang shelf sa bahay nila kung saan nakalinya na ang mga libro na kanyang babasahin. "Sunud-sunod na sila—ganoon ako, eh." And apparently, Nadine is a book collector din! "Maganda kasi nakukumpleto mo," she explains. Pero hindi lang sa fantasy umiikot ang interest ni Nadine sa books. Right now, meron daw siyang isang series na kino-kolekta—ang Pretty Little Liars. Ito ay isang mystery series na lumilinya sa Gossip Girl. Nadine says na kinukumpleto raw niya muna 'yung series bago niya simulan basahin: "Apat na 'yung lumabas, tapos 'yung cover niya parang doll, pero 'pag tinignan mo sa likod, 'yun 'yung girl. Eight books siya [at] 'yung ika-fifth, palabas pa lang ngayon. So kinukumpleto ko siya hanggang maging eight, tapos tsaka ko siya babasahin." And hindi lang basta-basta reader si Nadine. Once she becomes a fan of something, hindi niya ito iiwan kahit tapos na ang series! "Like the Spiderwick [Chronicles], nabasa ko na siya, tapos ngayon may bago daw—Beyond the Spiderwick. So hinahanap ko pa 'yung Beyond the Spiderwick, naghahanap talaga. Tawag ako nang tawag maya't-maya sa [bookstores]." At dahil sa passion ni Nadine for her books, we even recommended some for her to read! Talaga namang napakagandang role model si Nadine for kids—kahit hindi man siya gumimik at gumala physically, she can do so with her mind. At ang ginagawa lang niya ay magbukas ng libro. Gusto mo bang malaman kung anong libro ang binabasa ni Nadine ngayon? Subscribe na sa Fanatxt service niya! Just key in NADINE on your cellphone and send to 4627 for all telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is exclusively for the Philippines only.) And siyempre, don't miss the finale week ng Gagambino! One last week to see Nadine on TV bago siya magcelebrate ng birthday niya this coming March!