Showbiz News

LOOK: Betong Sumaya receives first recognition at the Best Choice Achievement Awards 2019

By Cara Emmeline Garcia

Nakatanggap ng kanyang kauna-unahang award si Bubble Gang mainstay Betong Sumaya noong Sabado, September 14, pagkatapos siyang magantimpalaan ng Best Choice Award for Comedy.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang tagasuporta at ang saya na makakuha ng kanyang first ever award.

Aniya “To GOD always be the glory.

“Maraming, maraming, maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng Best Choice Achievement Awards 2019 sa pagkilalang ibinigay ninyo sa akin.

“Hinding hindi ko po ito malilimutan kasi kayo po ang kauna-unahang nagbigay sa akin nito.

“Ty po GMA 7, sa aking GMA Artist Center Family, Bubble Gang Family, sa aking tunay na pamilya, katrabaho, kaibigan, sa lahat ng mga taong tumulong sa akin at sa lahat ng aking mga taga-suporta.

“Para po sa inyo ito at magsisilbi itong inspirasyon para ipagpatuloy ko ang pagbibigay saya sa mga manonood, amazing #TyPoLORD #Blessing #BestChoiceAwards2019 #BestChoice2019 #MyFirstEverAward”

Mapapanood si Betong sa The Gift, simula bukas, September 16, sa GMA Telebabad.

Congratulations, Kapuso!

GMA Network offers all-new primetime line-up this September

Sarap, 'Di Ba?: #TravelGoals with Pambansang Bae and Betong Sumaya