Showbiz News

Homer and Proserfina, bibisita sa iGMA!

Ngayon ay isang red letter day sa iGMA.tv dahil makakasama natin ang hottest love team sa bansa ngayon—sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. On the heels of their hit prime time series Ang Babaeng Hinugot sa Tadyang, we are lucky to get the latest straight from this popular young pair, live and online! Text by Erick Mataverde. Interviews by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S Mauricio. Character change
We're all on the edge of our seats trying to find out the unfolding stories sa pagkatao ni Proserfina at sa nagiging epekto niya kay Homer. Lalo pang nadadagdagan ng misteryo ang kanilang unlikely at makulay na relationship, kaya kinailangan natin kamustahin kina Marian at Dingdong ang kanilang mga character. "Itong week na ito, may mga flashback na silang mapapanood kung bakit ganoon," kuwento ni Marian. "Mas maiintindihan nila 'yung character ni Proserfina kung bakit naging ganoon siya at malalaman nila 'yung mga puno't-dulo ng lahat ng kasamaan, kung sino hinahanap ko, kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit naging ganun 'yung ugali ko, at bakit ako nag-iiba ngayon. So lahat ganun—malalaman nila unti-unti at maiintindihan nila 'yung character ni Proserfina." Para kay Dingdong naman, ang kanyang ginagampanang si Homer ay nagkakaroon ng departure sa kanyang usual na pagkatao. Paliwanag niya, "Well, so far sa nangyayari sa istorya, sobrang ang pinatutunguhan talaga ni Homer eh talagang puro kay Proserfina lang, wala nang iba. Kinalimutan niya 'yung kanyang kumpanya, kinalimutan niya 'yung nanay niya. Pero 'yung talagang main focus ni Homer ngayon is to understand kung anong nangyayari kay Proserfina and [to] get into her life." A chat to look forward to
It has been more than a year since Dingdong and Marian had their last Live Chat together. Remember MariMar? Kaya napaka-suwerte natin at makakasama nanaman natin ulit silang dalawa and, for them, the feeling is quite mutual. Dingdong was proud to share something about his chatting abilities. Kanyang banggit, "After a year, babalik nanaman ako, and I've improved a bit in my typing skills, so medyo mabilis na nang kaunti. Bahala na, bahala na bukas!" At nang i-mention kay Marian na makaka-chat na naman nila ang mga fans nila here and abroad, kanyang bigkas, "Oo nga eh, at least may ulit!" She also expressed her excitement and mentioned what she may expect today from the chatters:"Gusto ko din makita 'yung reaction nila sa Tadyang, 'di ba? Kung okey para sa kanila at kamusta [din] 'yung panunood nila. Tsaka puede na siya panoorin ng bata ngayon! Ayan 'yung sinisigurado namin. At least eto, [ma]pagbibigyan natin [ang mga chatters]." Dare to know more about Proserfina and Homer, dahil ang pinaka-sikat na tambalan sa showbiz ngayon ay mas paiinitin pa! Dingdong Dantes and Marian Rivera return to the iGMA.tv Live Chat on February 19, 2:00pm to 4:00pm (Philippine Time GMT+8) as they promote their new show Carlo J. Caparas's Ang Babaeng Hinugot sa Tadyang. Know more about Dingdong and Marian and try to unravel the secrets behind their mysterious characters through the iGMA.tv Live Chat. Click here for more details! Maging updated sa mga episode ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang straight from Dingdong and Marian themselves!Text DINGDONG [Your Message] or MARIAN [Your Message] Send to 4627 for all networks. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, TM, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is only available in the Philippines.