Showbiz News

Carlene works toward a noble wish

Marami ang nakakikilala kay Carlene Aguilar as a former beauty queen who's trying her luck sa show business. Also an Art Studies major from the University of the Philippines, iGMA discovered na mayroon pang gustong gawin si Carlene na talaga namang nakakabilib. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network. Isa si Carlene Aguilar sa mga supporting stars ng pinakabagong prime time soap na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Happy to try acting in a television series, makikitang Carlene is doing a good job pagdating sa larangan ng pag-arte—which isn't really surprising, since we know this lady as someone who gives her best in any field she wants to excel in. Katulad na lang ng kanyang pagsali sa season two ng Celebrity Duets. Ipinakita ni Carlene na she was willing to do everything para mapaganda ang kanyang mga performances.
Kaya naman nang malaman ng iGMA during an exclusive interview kung anong plano ni Carlene when she gets her college degree, lalo kaming humanga sa single mom na ito. “Ang balak ko, mag-masters sa SPED (Special Education), so parang, ‘yun talaga ‘yung goal ko,” pag-amin ni Carlene sa amin ng tanungin namin siya kung anong balak nya after she graduates. Ipinaliwanag din niya na gusto niya talagang magturo ng children with special needs, and that she is preparing herself as early as now para sa noble profession of teaching. “Kulang ang mga teachers, eh. May mga schools naman diyan, so magta-try muna ko na magturo. Tapos, eventually kung talagang okay, tini-train ko pa ‘yung sarili ko kasi kailangan talaga ‘yung patience, eh tini-train na 'ko ng anak ko ngayon,” ang nakangiting sabi ng bagong aktres. Sinabi din niya na kaya Art Studies ang course na kinuha niya dahil special children are more interested sa ganitong fields. “Kasi ‘di ba, ‘yung mga special children medyo inclined sila sa music and art, so ‘yun. Parang isang step para maprepare ko 'yung sarili ko,” dagdag pa ni Carlene. Pero in the meantime, inamin niya na she wants to concentrate on showbiz muna habang may mga offers pa na dumarating. “I want to try acting for the meantime hanggang hindi pa 'ko tapos sa school, pero kasi madami akong balak. So parang since ‘yung opportunity nandiyan 'di ba, might as well grab it,” banggit pa ni Carlene. Abangan si Carlene Aguilar sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, weeknights sa GMA Telebabad. Talk about this topic sa iGMA forums.