Showbiz News

WATCH: Ken Chan, 2 buwan inaral ang Thai theme song ng 'Destiny Rose'

By Cara Emmeline Garcia

Lumipad patungong Thailand si One of The Baes star Ken Chan para i-promote ang dati niyang hit series na Destiny Rose at Meant To Be.

Ken Chan

Ang dalawang teleserye ay ipalalabas sa ilalim ng JKN Global Media, ang global partner ng GMA Worldwide sa Thailand.

Bilang bahagi ng pagpo-promote, nakuwento ni Ken na kinailangan niyang aralin ang theme song ng Thai-dubbed version ng Destiny Rose, na umabot ng dalawang buwan.

“Ang ibig sabihin ng kanta ay tungkol sa isang tao na na-trap sa isang katawan na hindi niya gusto at hinahanap niya yung sarili niya, which is ganun yung kuwento ng Destiny Rose,” sambit niya kay 24 Oras correspondent Nelson Canlas.


Taon-taon ay dumadalo ang ilang Kapuso stars sa trade show ng JKN Global Media na siyang nagpapalabas ng ilang Kapuso series sa Thailand.

Kasama ni Ken sina Dennis Trillo at Alden Richards para i-promote ang kani-kanilang serye na My Faithful Husband at Destined To Be Yours.

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

LOOK: Ken Chan says hello to a new hairdo for upcoming role

Ken Chan unveils eyewear collection