Showbiz News

WATCH: Rapper na si Loonie, arestado matapos mahulihan ng high-grade Marijuana

By Aaron Brennt Eusebio

Arestado ang kilalang rapper na si Loonie, o Marlon Peroramas sa totoong buhay, matapos itong mahulian ng Kush, isang high-grade Marijuana, sa basement ng isang hotel sa Makati.

Ayon sa hepe ng Makati Police na si P/Lt. Col. Rogelio Simon, isang buwan nilang minanmanan si Loonie sa mga gig nito.

"Almost one month na naming sinusubaybayan lahat ng mga gigs niya. Isinasabay niya 'yung kanyang pagdi-distribute ng mga ganitong klaseng kontrabando, itong Kush, itong high-grade marijuana na ito," paliwanag ni Simon.

Ayon naman kay Loonie, ipinalanta lang ng pulis ang nahuling Kush sa kanila na nagkakahalagang 100,000.

"Ang pupuntahan po namin batang may cancer, 'yun 'yung pagkakaalam ko ngayong araw," saad ni Loonie.

Nahuli rin ang kapatid ni Loonie na si Idyll Liza Peroramas, David Rizon, Ivan Agustin, at Albert Alvarez.

Alamin ang buong detalye sa report ni Marisol Abdurahman sa 24 Oras: