What's Hot

READ: Paolo Contis, itinuturing nang tahanan ang GMA Network

By Felix Ilaya
Published September 27, 2019 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



"Dito na sa GMA ako tumanda...nag-mature, in terms of my personal life, professionally...Tahanan ko na talaga 'tong GMA." - Paolo Contis

Masayang-masaya ang actor-comedian na si Paolo Contis sa renewal ng kanyang contract with GMA Network kaya naman 15 years nang Kapuso si Paolo.

15 years and counting! ❤️Congratulations @paolo_contis on your contract renewal with the Kapuso network!

Isang post na ibinahagi ni gmanetwork (@gmanetwork) noong

Ayon sa panayam ni Paolo sa press, itinuturing na raw niyang tahanan ang Kapuso Network.

"Basically, dito na sa GMA ako tumanda in terms of nag-mature, in terms of my personal life, professionally.

"Itong 15 years na ito kung saan ako nag-mature, I'm very happy na dito ko iyon nagawa.

"Tahanan ko na talaga 'tong GMA.

"Kung mayroong through thick and thin ika nga, lahat ng napagdaanan kong mabibigat, they've been very supportive of me, regardless of any situation.

"I would be an idiot not to stay," wika ng aktor.

Malaki rin ang pasasalamat ni Paolo na nabibigyan siya ng pagkakataong ipamalas ang kanyang husay sa comedy sa shows gaya na lang ng Bubble Gang.

Aniya, "Masaya naman ako na natutuwa sila sa'kin. Mahirap [magpatawa] especially sa culture nating mga Pinoy 'eh very emotional.

"Madaling magpaiyak pero with regards to sa [kasalukuyan] natin, maraming problema sa bansa, ang hirap magpatawa.

"Masaya ako na napapatawa ko ang mga tao."

Congratulations on your contract renewal, Paolo, and here's to many more!