Showbiz News

Derek Ramsay dares netizen to name previous leading lady who became his GF

By Nherz Almo

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang aminin nina Andrea Torres at Derek Ramsay ang tungkol sa kanilang relasyon ngunit hindi na maiwasan ang intriga rito.

Derek Ramsay

Nag-post si Derek ng larawan nila ni Andrea, na kuha mula sa Burj Khalifa ng Dubai, sa Instagram kanina, September 27.

Sa kabila ng masasayang pagbati sa dalawang Kapuso stars tungkol sa kanilang pag-amin sa relasyon, isang netizen ang pumuna kay Derek.

Ani Instagram user @reyyju, “Same feathers with @andersongeraldjr Ung chuchakin lahat na makatrabaho.”

Hindi ito pinalampas ng aktor at hinamon ang netizen, “Sino sa mga leading ladies ko ang naging gf ko?”

Si Andrea ang unang naging leading lady ni Derek nang lumipat siya sa GMA Network nitong Abril lamang.

Kabilang sa mga aktres na nakatrabaho ni Derek sina Anne Curtis, Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Erich Gonzales, Jessy Mendiola, at Cristine Reyes.

Ang huli ay naging girlfriend ni Derek noong 2013, ngunit hindi ito tumagal ng isang buwan.

Inamin nina Derek at Andrea ang kanilang relasyon sa ilang piling entertainment reporters na bumisita sa set ng patapos na nilang teleserye, ang The Better Woman.

WATCH: Derek Ramsay and Andrea Torres confirm relationship