Showbiz News

Kate Valdez, hindi in-expect na mapabilang sa pelikulang 'Black Lipstick'

By Maine Aquino

Masayang-masaya si Kate Valdez na parte siya ng pelikulang Black Lipstick.

Kate Valdez

Ang Black Lipstick ay pagbibidahan ni Kyline Alcantara kasama sina Manolo Pedrosa at Migo Adecer. Kabilang din sa cast sina Snooky Serna, Angel Guardian, James Teng at Thia Thomalla.

Ayon kay Kate, hindi pa rin siya makapaniwala na mapapabilang siya sa star-studded cast sa kanyang unang movie project.

Kate Valdez, naging matatag sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan

"This is very unexpected na maibigay sa akin ang project na ito. Na mapasama sa remake ng blusang itim na new version."

Gaganap din si Kate bilang isang kontrabida na iba umano sa kanyang mga ginampanan sa telebisyon.

Kuwento ni Kate, "Marami kasing colors ng kontrabida. Merong kontrabidang mabait. Meron lang siyang side na ayaw makuha from her kaya siya nagagalit. Pero she's kind. My character there, she's kind."

Mapapanood na ang Black Lipstick ngayong October 9.

WATCH: Teaser of 'Black Lipstick' starring Kyline Alcantara


Kate Valdez wants to end issue about being booted out from 'Studio 7'