TV

#DaWho: Co-stars ng isang soap aminadong happy sa isa't isa

By Cara Emmeline Garcia

Marami-rami nang fans ang nakakapansin sa matatamis na posts ng Magkaagaw stars na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda sa isa't isa.

Kilig na kilig ang fans ng #KleRic sa nabubuong closeness ng dalawang Kapuso stars lalo na't nakikitang holding hands na ang dalawang aktor sa kani-kaniyang social media accounts.

Marami na tuloy ang nagtatanong kung ano ang kanilang relationship status.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin ng StarStruck Ultimate Female Survivor na mas close na sila ni Jeric.

Aniya, “Mas naging close kami ni Jeric ngayon, 'yun lang 'yung napansin ko.

“Mas nag-e-effort na kami na kilalanin ang isa't isa at parang mas may care na kami sa isa't isa this time around.

“Mas tinry namin kilalanin ang isa't isa on and off cam. Mas kinakausap na namin yung isa't isa.

“At saka dito sa Magkaagaw kami 'yung madalas magkaeksena. Kaya mas palagi kaming magkasama, kaya 'yung bond and closeness namin mas nagiging strong.”

Aminado naman si Jeric na may paghanga siya kay Klea. “Gusto ko 'yung grabe 'yung passion at determination niya sa lahat ng bagay.”

Parehas daw mahilig sa motorcycles at adventure trips sina Jeric at Klea, at mas nagkakilala sila nang mag-taping ang Magkaagaw sa Cebu.

Para naman kay Jeric, kahit ang maliliit na bagay at simple moments nila ni Klea ay mahalaga sa kaniya.

"'Yung mga small things na magkasama kami sa plane, magkatabi kami. Tapos sa simbahan, first time kong makapunta sa Magellan's Cross, sobrang dream ko talaga 'yun tapos siya pa 'yung kasama ko.”

Subaybayan sina Klea at Jeric kasama sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon sa Magkaagaw, ngayong Oktubre sa GMA-7!

LOOK: Klea Pineda and Jeric Gonzales post sweet photos together

IN PHOTOS: The sweetest photos of 'Magkaagaw' stars Klea Pineda and Jeric Gonzales