Showbiz News

CONFIRMED: Jennylyn Mercado is Dr. Maxine in DOTS PH

By Jansen Ramos

Matapos ang ilang buwang ispekulasyon, kumpirmadong si Ultimate Star Jennylyn Mercado ang gaganap sa karakter ni Dr. Maxine Dela Cruz sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun.

Jennylyn Mercado

Binisita namin si Jennylyn sa kanyang emergency response training kaninang umaga, October 3, sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center sa Quezon City at nagpaunlak ito ng isang exclusive interview.

Aniya, blessed ang kanyang pakiramdam dahil inalok kaagad siya ng panibagong proyekto kahit katatapos lamang ng kanyang shows na Love You Two at StarStruck.

"Happy ako dahil isang napakalaking blessing and opportunity ito para sa akin kahit na isang linggo o dalawang linggo pa lang natatapos ang Love You Two at StarStruck."

Aminado si Jennylyn na pressured siyang gampanan ang role bilang Dr. Maxine dahil malaki ang posibilidad na maiikumpara siya sa Korean star na si Song Hye Kyo, na bilang Dr. Maxine Kang sa orihinal na series.

Pahayag niya, "Excited ako na medyo may pressure kasi, siyempre, kung hindi ko man malampasan at least dapat mapantayan ko man lang 'yung expectation ng viewers at mga supporters ng Descendants of the Sun."

Dahil military doctor ang kanyang role, sumailalim si Jennylyn sa training sa patnubay ng Internal Medicine Consultant ng Chief Public Information Office ng AFP Health Service Command na si Cpt. Sherwin Sarmiento MC.

Bahagi ng 32-year-old actress, "Kailangan correct 'yung movements [para malaman] kung ano ba ang ginagawa ng isang doctor, kung paano ba mag-assist, kung paano ba i-handle ang isang emergency.

“Kasi, hindi naman pwedeng nagpa-panic ka rin.

“Kailangan may presence of mind ka at alam mo kung ano ang ginagawa mo, at dapat tama ang hawak mo sa lahat ng mga gamit.

“Mahirap na kasi, siyempre, 'pag pinanood ng mga tao tapos may nakapanood na expert, mahirap magkamali."

Bukod sa pagganap sa papel ni Dr. Maxine, inaabangan din ang unang pagtatambal nina Jennylyn at Dingdong Dantes sa isang teleserye.

Pahayag ni Jennylyn, "Gusto naming sundan kung ano 'yung ibinigay ng Descendants of the Sun.

“First time namin magkakasama sa isang soap and I'm sure marami akong matutunan."

Bago ito, nagkatrabaho si Dingdong at Jennylyn bilang mga hosts sa katatapos lamang na StarStruck.

Dingdong Dantes recalls directing Jennylyn Mercado for 'Kakabakaba Adventures' during her 'StarStruck' days

Makakasama rin nina Dingdong at Jennylyn sa Pinoy DOTS sina Jasmine Curtis-Smith, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon Lucas, Prince Clemente, at Paul Salas.

IN PHOTOS: A sneak peek into the Special Forces training of the 'Descendants of the Sun' cast