Dingdong Dantes, pina-practice na ang iconic move sa 'Descendants of the Sun' na cellphone flip
Damang-dama na ang #DOTSPh fever!
Ngayong kumpirmadong si Jennylyn Mercado ang gaganap bilang Dr. Maxine sa Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation, nag-tweet ang kanyang katambal na si Dingdong Dantes, na gaganap sa papel ni Captain Lucas, para ipahayag ang kanyang excitement.
CONFIRMED: Jennylyn Mercado is Dr. Maxine in DOTS PH
Sabi ng Kapuso Primetime King, "Pina-practice ko na ang cellphone flip para sa first scene namin. #JENNYLYNMercadoIsDrMaxine #DOTSPh"
Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang iconic scene sa Descendants of the Sun kung saan pinitik ni Captain Lucas (Yoo Si-jin) ang kanyang telepono para makuha ito mula kay Dr. Maxine (Kang Mo-yeon).
Para ma-refresh ang inyong memory, panoorin ang video na ito:
Kinilig naman ang fans sa tweet ni Dingdong at kanya-kanya na ito ng comment sa unang pagtatambal ng aktor at ni Jennylyn.
Unang nagkasama sina Dingdong at Jennylyn sa hit fantaseryeng Encantadia noong 2005-06 bilang sina Lira at Ybarro.
Matapos ang 13 na taon, nagkasama silang muli bilang hosts ng reality-based artista-search na StarStruck.
LOOK: Dingdong Dantes shares fresh haircut for DOTS PH