Showbiz News

READ: Gloc-9 pays tribute to Francis M on his birthday

By Aaron Brennt Eusebio

Sampung taon na ang nakakalipas nang pumanaw ang Master Rapper na si Francis Magalona, pero hindi pa rin siya nakakalimutan ng kanyang mga nakasama sa industriya.

Pia Magalona commemorates Francis M.'s 10th death anniversary

Sa ika-55 na kaarawan sana ni Francis M ngayong Biyernes, October 4, inalala siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Gloc-9.

"Sabi mo dati sakin Sir nung nalaman mo na dehado ako sa isang deal ko sa mga songs ko sabi mo 'hayaan mo na 'yun 'ris, gumawa ka nalang ulit ng kanta tinata@# lang naman natin yan," sulat ni Gloc-9 sa Instagram kalakip ng larawan nilang dalawa.

"Basta tandaan mo 'ris lagi mong gagalingan hindi lang sa ibabaw ng stage lalo mo dapat galingan sa ibaba nito.'

"Salamat sir! Maraming salamat lagi! Happy Birthday King!"

WATCH: Magalona sibs sing "Kaleidoscope World" for their late dad Francis M