Showbiz News

What All About Eve is all about

Ngayong gabi, muling balikan ang Koreanovelang dati nang nagpaluha sa milyun-milyong mga Pilipino. Alamin ang mga kuwento sa likod ng 'All About Eve'. Text from 'All About Eve' press release; additional Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Millions will be tuning in tonight, dahil isa na namang dekalidad na programa ang magsisimula sa GMA Telebabad. Ngayong Lunes, March 9, magpe-premiere na ang pinaka-aabangang Pinoy version ng pinakamatinding Korean drama na sinubaybayan mula Asya hanggang kabilang panig ng mundo—ang All About Eve.
Mula sa direksyon ni Direk Gil Tejada, Jr., ang All About Eve ay tungkol sa magkakarugtong na buhay ng mga kababaihan na magkaibigan, pero naging magkaribal dahil sa pangarap at pag-ibig. Magsisimula ang All About Eve sa pag-iibigan nila Katrina (Jean Garcia), isang mahirap pero magandang dalaga, at Frederico (Richard Gomez) na mula sa isang mayamang pamilya. Kahit mahal nila ang isa't-isa, tutol ang ina ni Frederico na si Donya Concepcion (Celia Rodriguez) kay Katrina kaya ipakakasal niya ang anak kay Lisa (Ina Raymundo) who shares the same background as them. Mapipilitang pakasalan ni Frederico si Lisa at magkakaroon sila ng anak, si Nicole (Iza Calzado). Pero kahit pamilyado na, hindi mapipigilan ni Frederico ang damdamin at babalikan ang tunay na minamahal—si Katrina. Magkakaroon sila ng isang lihim na relasyon, an affair na tinututulan ni Alma (Eula Valdez), ang matalik na kaibigan ni Katrina—to which Eula comments, "Masakripisyo siyang tao," referring to Alma. Pero may mga bagay pa rin na hindi niya palalampasin. Lisa finds out about Frederico's affair, pero even before she can do anything more than confront Katrina, she mysteriously ends up dead. Sa kanyang pagkamatay, si Katrina lamang ang mapagbibintangan at makukulong. At sa loob ng piitan, malalaman ni Katrina na buntis siya. Because of her anger, she decides not tell Frederico about their child, whom she will give birth to sa loob ng kulungan, and Katrina will name her Erika (Sunshine Dizon). Pero dahil nakakulong si Katrina, she will have to give up her daughter—just like she did the man she loved.
"Pinakamahirap ang mawalay sa lalaki at anak na pinakamamahal niya," Jean teases. Dagdag niya, magbabago ang personality ng character niya sa kanyang pagiging bilanggo. Meanwhile, Nicole and Erika will both grow up beautiful and smart; parehong palaban at career-oriented, their paths will cross as they chase the same dream—ang maging sikat na mamamahayag. Pero hindi lang diyan magkakalaban ang dalawang dalaga—they will also compete for the affections of two men: sina Warren (Alfred Vargas), ang anak ni Alma na magkakagusto kay Erika, at si Kenneth (Mark Anthony Fernandez) na magiging sandalan ni Nicole sa kanyang mga problema. Para kay Nicole, friendship is possible between Erika and herself, especially since ito ang gustong mangyari ni Warren. Ang hindi niya alam ay kung ano ang makapagpapasaya sa kanya, ay ang siya namang ikamumuhi at kina-iinggitan ni Erika. At kung ano ang meron o para kay Nicole ay pilit nitong aagawan ng sakim na dalaga—kabilang na ang kanyang pangarap at lalaking pinakamamahal niya. "Nicole will choose to play fair," Iza promises, during the press conference of the program. Pero, hindi ba't all is fair in love and war? Paanong matatakasan ni Nicole ang mga masasamang plano ni Erika? Susuko ba siya o lalaban sa ngalan ng pag-ibig at kasikatan? May pag-asa pa kayang magbago si Erika? Siguradong isang dekalidad na programa na naman ang mapapanood niyo sa GMA. And sisiguraduhin din ng network na hindi basta-basta ang programang ito. Ika nga ni Iza, "Talagang paghihirapan namin [ang show na ito]. Ibibigay namin lahat ng gusto niyo." To which, Jean takes the opportunity to thank the network on behalf of the cast, for trusting them with a project as big as this: "Mahirap buuin ang cast na ganito, [and] we would like to thank GMA sa tiwalang ibinigay sa aming lahat." Relive the passion, the deception, and the ambitions of the women of All About Eve, magsisimula na ngayong gabi, pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.