Showbiz News

READ: GMA Network, mamimigay ng higit 10M sa 'Kapuso Milyonation'

Mamimigay ng higit sa 10 milyong piso ang GMA Network ngayong Pasko sa pagbabalik ng Kapuso Milyonation KrisMasaya!

Sa paghuhulog lang ng white envelope kalakip ng iba't ibang participating products, maari kayong manalo ng house and lot o one million pesos.

Paano? Ilagay lang ang mga sumusunod na detalye sa isang papel:

a. Name
b. Age
c. Complete Home Address
d. Contact Number
e. Handwritten Signature

Kung gusto mong magkaroon ng karagdagang premyo, puwede ring isulat ang pangalan at complete address ng sari-sari store, at numero ng may-ari ng sari-sari store kung saan mo nabili ang proof-of-purchase.

Ilagay ang papel kalakip ang proof-of-purchase sa short o long na white envelope at ilagay sa likod ang sumusunod na detalye:

KAPUSO MILYONATION
[brand na inilakip]
[region kung saan nakatira]

Maaaring i-submit ang entries sa GMA stations, select Mercury Drug at Cebuana Lhuiller brances nationwide.

Magsisimula ang pagpasa ng entry sa Sabado, October 12, hanggang sa January 3, 2020.




Para malaman kung ano-ano ang participating products, pumunta sa official page ng GMA Promos sa Facebook.