Showbiz News

WATCH: Cast ng 'Black Lipstick' bumisita sa 'Unang Hirit'

Live na nakasama ni Luane Dy ang cast ng Black Lipstick na sina Kyline Alcantara, Kate Valdez, at Migo Adecer kaninang umaga sa Unang Hirit.

Naikuwento ng tatlo kay Luane ang importansya ng pelikula sa mga millennials ngayon.

Ani Kyline na bumibida sa pelikula, “Well ito pong Black Lipstick, marami na po siyang nata-tap na issues ngayon tulad ng bullying, cyber bullying, and napaka-importante po sa akin 'yung message na iyon.

“Sobrang naapektuhan ako sa message na pagmamahal sa sarili at kung paano mo ma-accept yung sarili mo talaga, your unique self.”

Kumasa rin ang tatlo sila sa isang laro na pinamagatang “Paa-ramihan” na hinanda ng UH barkada ngayong umaga.

Panoorin ang kanilang fun game sa video na ito:

WATCH: Kyline Alcantara hopes to underscore self-love and acceptance in movie 'Black Lipstick'

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara admits to not loving herself before