Showbiz News

WATCH: Alden Richards, aminadong crush si Lisa Manoban ng 'BLACKPINK'

By Cara Emmeline Garcia

Isang K-fanatic na si Asia's Multimedia Star Alden Richards!

Mula sa kanyang trip to Korea, ibinahagi ni Alden na nahulog na ang kanyang loob sa Korean culture kaya naman plano niyang ipagdiwang ang Pasko sa nasabing bansa.

“Sabi ko na parang, 'Wow ang sarap naman dito [sa Korea].'

“Kaya nung pagkauwi namin, kinausap ko 'yung family ko na we'll be spending Christmas there this year,” bahagi niya sa #LoveKorea Culture and Tourism Festival noong Sabado.

Maaalalang lumipad patungong Korea si Alden para tanggapin ang Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards noong Agosto 29.

Alden Richards wins Asian Star Prize at the Seoul International Drama Awards 2019

Maliban sa Korean culture, hinahangaan na rin daw niya ang K-Pop girl group na BLACKPINK at ang main dancer nito na si Lisa Manoban.

“Wow ang galing! Wow ang cute! Ang ganda niya!

“Wala na! Hanggang na-hook na ako kay Lisa,” pagsasadula nito sa 24 Oras.

Patuloy na panoorin si Alden Richards sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Alden Richards's star moment in South Korea