Showbiz News

Eula Valdez, into extreme sports at age 40

Nagko-concentrate ngayon si Eula Valdez sa bagong character niya sa All About Eve na si Alma, ang best friend ng role ni Jean Garcia na si Katrina, na siyang pangalawang asawa ng character ni Richard Gomez, na si Frederico. "Ako kasi yung tipo ng friend na masyadong—paano, eh—anong tawag dito? Kailangan hindi ka immoral, 'yung parang [lagi kong sinasabi na] 'Mali yung ginagawa mo.' Ako 'yung tipo ng gano'n. So parang nagkaroon ng lamat 'yung friendship namin dahil ayaw niyang tumigil na pumatol sa may-asawa, then eventually, nakulong siya, napagbintangan nga. So parang nagkaroon ng wall ang friendship namin.
"Ako 'yung naging shoulder to cry on nung namatay ang asawa ni Goma [played by Ina Raymundo] and nung nakulong si Katrina. Parang ako ang natira ro'n. Ako kasi ang secretary niya ro'n, eh," pagpapakilala ni Eula sa kanyang character. Naging interesado ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ibida ni Eula ang kanyang hilig sa sports lalo na sa extreme sports. "Ever since kasi, mahilig talaga ako sa sports. Actually, nung college, nagka-injury pa nga ako dahil sa isang sports activity na ginawa ko. Nagka-torn ligament ako. Hindi ko lang ininda, pero as the years went by, siyempre, with age na rin, nararamdaman ko na siya talaga. "It came a time na nga nung ginagawa ko yung Zsa Zsa Zaturrnah [the play, in 2006] muntik nang hindi matuloy yung show kasi nga, I have to move around for that play. Eh, masakit na talaga. So tiniis ko na lang. We pushed through with the show. Then, after that, I finally had my operation. I have titanium plates in my knee." Ipinakita nga ni Eula ang tuhod nya na aniya'y may turnilyo na nga. Pero sa kabila nito, tuloy pa rin sa sports niya si Eula. "I do skydiving, snowboarding. I do those kasi life is too short and ang age—age lang 'yan, eh. I don't believe na dahil 40 ka na you should act your age. Marami ka pang puwedeng gawin." - PEP.ph Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!