TV

EXCLUSIVE: Jeric Gonzales, aminadong nailang sa sexy scenes nila ni Sheryl Cruz

By Cara Emmeline Garcia

Isang malaking hakbang para kay Kapuso actor Jeric Gonzales na talikuran ang kanyang good boy image para sa upcoming serye niyang Magkaagaw.

Jeric Gonzales

Tampok sa serye ang magaganap na May-December love affair na pinag-usap-usapan online kamakailan.

Sa unang pagkakataon, gaganap si Jeric bilang si Jio, isang mapagmahal na asawa ni Clarisse, na gagampanan ni Klea Pineda. Ngunit madadala siya sa tukso na dala ni Veron, ang karakter ni Sheryl Cruz.

Kaya nang tanungin ang aktor tungkol dito, aminado si Jeric na nailang siya sa batikang aktres.

“Nakakatawa nga kasi, siyempre, I have so much respect for Ms. Sheryl kasi ang dami ko nang beses siyang nakakasama and ina-admire ko rin siya bilang isang artist,” sagot nito sa GMANetwork.com.

Maalalang nagkatrabaho na ang dalawang aktor sa Kapuso soap na Strawberry Lane noong 2015.

Dagdag pa niya, “Nung nalaman namin ito, tumawa kami kaagad kasi parang, paano ba namin gagawin?

“I have so much respect para sa kanya and dun sa eksena dapat mawala 'yung respeto ko sa kanya.

“During the workshops nga, medyo nahihirapan ako kasi kahit nasa character na ako pero lumalabas pa rin na nirerespeto ko siya at ayaw ko siyang hawakan, mga ganun.

“Tapos 'miss' pa rin ang tawag ko sa kanya kaya sabi ni Direk Gil [Tejada Jr.] 'wag ko raw gawin 'yun.”

LOOK: Netizens, naantig sa pinakitang May-December love affair ng 'Magkaagaw'

Kuwento pa ni Jeric, sumailalim pa sila sa iba't ibang workshop ni Sheryl para lang paghandaan ang mga mature scenes sa serye.

“Well, siyempre, we had a series of workshop with Ms. Sheryl Cruz kasi siya 'yung makakasama ko.

“Mas mature rin 'yung magiging eksena namin kasi siya 'yung naka-affair ko dun kaya kinailangan naming mag-undergo ng maraming klaseng exercises, like mga sensual and relationship exercise, in order to do the scenes properly.”

Bagamat nailang sa umpisa, masaya namang ibinahagi ng aktor na nakita na niya ang sexy scenes na pinaghandaan nila ng aktres.

“Meron na, at dapat abangan ito ng tao.

“First time kong nagawa ito sa tv and I'm happy na maganda 'yung kinalabasan.”

Subaybayan ang tambalang Jeric Gonzales at Sheryl Cruz sa Magkaagaw ngayong October 21 sa GMA Afternoon Prime.

EXCLUSIVE: Ano ang pinaghahandaan ni Jeric Gonzales para sa upcoming serye na 'Magkaagaw'?

WATCH: Sheryl Cruz shows off her incredible body for an online magazine