Showbiz News

WATCH: Sanya Lopez, gaganap na GRO sa 'Isa Pang Bahaghari'

By Felix Ilaya

Mapapanood ang Kapuso actress na si Sanya Lopez kasama ang veteran stars na sina Nora Aunor, Phillip Salvador, at Michael de Mesa sa upcoming film na Isa Pang Bahaghari.

Sanya Lopez

Bibida si Sanya bilang si Dolly, ang bunsong anak nina Lumen (Aunor) at Dom (Salvador) na nagtatrabaho bilang isang GRO. Sa trailer, makikita ang karakter ni Sanya na sumasayaw sa isang bar na underwear lamang ang suot.

Panoorin ang full trailer ng Isa Pang Bahaghari sa video below:

Mapapanood rin sa Isa Pang Bahaghari sina Albie Casino, Joseph Marco, Zanjoe Marudo, Maris Racal, at Migs Almendras.