Showbiz News

Gabby Concepcion reacts to daughter KC Concepcion's sexy photos

By Nherz Almo

Usap-usapan kamakailan ang sexy photos ni KC Concepcion.


Kaya naman hindi naiwasan hingin ang reaksiyon ng ama niyang si Gabby Concepcion tungkol rito sa ginanap na press conference para sa kanyang bagong Beautederm endorsement kahapon, October 12.

Aprubado kaya ang mga ito kay Gabby?

"Well, ako, I love art," sagot ng dating Love You Two actor

"Kung maganda naman at marami naman akong nakikitang mga ganung style.

"Pero, of course, coming from your daughter, nakakapanibago lang.

"Of course, I'm open to that, hindi naman ako..."

Bagamat marami ang nagustuhan ang mga larawan ni KC, may ilan din bumabatikos na tila nasobrahan naman ito sa pagka-daring.

Para kay Gabby, hindi ito dapat pansinin ng kanyang anak.

Katuwiran niya, "Well, there will always be critics, 'no?

"Okay lang yun. If that's how she feels and how she express her photo sessions or art form. "

ON RUMORED KC-PIERRE BREAKUP

Naging matipid namang sumagot si Gabby nang tanungin kung nakausap na niya ang kanyang anak tungkol sa napabalitang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.

Sabi ni Gabby, "Yun din ang maganda, e, it's unpredictable.

"Life is full of challenges, sabi nga nila, maraming hurdles.

"Ngayon, heto na naman tayo sa mga hurdles ng buhay. Hindi lang naman siya, lahat tayo.

"Nag-usap kami. Happy naman ziya ngayon because of her new commercial."

Hindi rin daw nila ito tuwirang napag-usapan nang magkumustuhan ang mag-ama.

Ani Gabby, "Ang importante lang naman is there's communication, nagtatawagan.

"Minsan makakausap mo lang, mawawala na yung problema mo. You don't even have to be specific."

Diin pa niya, "Ang importante lang is happy siya. Kung saan siya happy, dun lang tayo."

Sharon Cuneta tells public about daughter KC Concepcion, "Let's give her a break."

Samantala, natanong din si Gabby tungkol sa pahayag ni Sharon Cuneta na gusto na niyang magkaapo kay KC.

Ganito rin kaya ang saloobin niya?

Tugon ni Gabby, "It doesn't matter kung meron o wala.

"Ang importante lang 'yung magkakaroon ng [anak] ay happy."